Thursday, July 24, 2008

cat

well. hindi po tungkol sa mga species ng Felis domestica ang paguusapan natin ngayon kundi ang org namin at ang itinuturing ng lahat ng kadete na pinaka-matinding pagsubok sa kanila ngayong fourth year.

actually. kung ako ang tatanungin eh halos wala pa nga yung mga pinapagawa namin sa mga ginawa namin eh. tapos may eepal sa background na "eh hindi naman ako ayo eh." meaning hindi naman kami parehas. ang kayo ko ay hindi nya kaya. pwes, eto ang masasabi ko. "kung nagawa ko bat hindi mo magawa? fourth year ka na. nung ginawa ko yung mga yan, second year pa lang ako. wag mong sabihin sa akin na daig ka pa ng second year kundi eh, IBABALIK KITA DON!" at huwag mo ng balakin pang kumontra dahil ako na ang nagsasabi sa iyo na wala pang nakapagtagumpay na barahin ako. kahit si veronica at ang kanyang dilang Bermudan eh laos sa akin. hahaha. XD

so ayun nga. nainis ako kanina. una si Emilio Baltazar (tunog bayani, pero kung naging bayani nga siya, sana eh namatay na siya.) na walang ginawa kundi magpamulsa, tumingin ng nakakaburaot, yung tipong mang-asar, at palaging nakataas ang buhok. sa totoo lang, hindi nya naman madadaig si Mortiz sa kabastusan pero kung may ranking, baka i-rank 2 ko siya. Ikaw gusto mong mag-rank 3? ewan ko sayo.

And speaking of Mortiz, isa pa yan, na sa tuwi-tuwinang makikita ko sa daan eh talaga namang nakakapang-galaiti, at nakakataas ng presyon. kung me high blood ako, malamang patay na ako ngayon. una sa lahat, hinding hindi ko malilimutan yung ginawa nyang pambabastos kay Mira at sa akin nung campaign. naka-istrayk one na siya last week kay desipeda. next week siguro, istrayk two kay myca, at next next week, istrayk three na siya, sa akin!

And again, speaking of Desipeda, nagkulitan lang kami kanina pagkatapos nung meeting. Pinapatawa namin siya ni Llanos. si Llanos eh yung tipo ng tao na kapag nagmungkahi ka ng kagaguhan, imbes na magalit eh palalalain pa nya yung ibinigay mong halimbawa. at pag nagsama kami eh talaga naman umaatikabo at todo-todong tawanan lang ang iyong mauulinig. so ayun nga, pinagtripan namin si cor kanina. the likes ng... pagkuha ng sapatos nya at pagpapahabol sa kanya, o di kaya naman eh yung pag-kulong sa kanya sa room ng del pilar. dun ko lang nakita si cor na bonggang-bonggang humagalpak sa tawa, at masasabi kong "ang weird nya."

So ayun. madami pa akong gagawin. alam kong mejo walang kwenta yung post ko pero wala akong pake. inaantok na ako eh. hahaha. XD. sige until next tym na lang.

Tuesday, July 22, 2008

leche buwisit.

haaay.
ngayon lang ako nabuwisit at nainis ng todo-todo sa buong buhay ko.
paano ba naman.
una. yung test sa english. napakadaming terms ng greek mythology na talaga namang ikinabuwisit ko. may agamemnon, memnon, patroclus, pandarus, iphigenia, hera, artemis, protiselaus, at kung ano-ano pang -us.
ikalawa. yung bulletin namin. hukluban ng kadirian. talaga namang tinawag pa kami ni mam palao para lang sabihing hindi kami makakauwe hangga't hindi tapos yung bulletin. yun nga lang, mas nauna pa rin syang umuwi kesa sa amin. well. pinapamadali nya kasi yung epal na lola ni tooot.... eh nag-ounds kanina at nakita yung hubad na katawan nung bulletin at ipinamukha daw kay mam na "it's so kadiri, kadiri..." parang yung tipong isang anak-mayaman na nadapuan ng ipis. yun nga lang isipin niyo kung anong itsura nya habang sinasabi nya yun.
ikatlo. heto na. ang sukdulan ng aking pasensya, ang mitsa ng aking bomba. ayun. yung folio ko sa economics. mula ng makita ko yung grade ko dun hanggang sa mga oras ngayon na ako'y nagtatype eh hindi ko talaga makalimutan ang aking iskor doon. hindi ko lubos maisip kung bakit yun lang ang nakuha ko. sa mga nakakakilala sa akin, alam nyo naman na kapag pinaghirapan ko yung isang bagay na yon eh talaga namang maganda hindi ba? well honestly, hindi yung effort ko ang pinanghihinayangan ko dahil honestly, hindi naman gaanong ma-effort yun. ang hindi ko matanggap eh yung dahilan nya sa akin na kaya daw ganun ang nakuha ko kasi mejo hindi gaanong related yung design. kumbaga sa dugo eh mga gapatak lang ang tungkol sa economics. eh ngayon. gusto kong malaman kung ANONG KONEKSYON NG WITCH SA ECONOMICS???

well. hindi ako gakit dun sa may-ari nung folio na yun kasi si myca yun eh. (remember? yung president namin?) galit ako kasi mali yung pagkakajudge. kahit na ganun yung design nya, kung tama naman yung pagkakajudge eh ok sana.

actually. dahil nga sa inis ko eh naaway ko pa tuloy si domz. nagpanting kasi ang tenga ko ng marinig ko yung harutan nila ng isa kong kakalase habang kami eh aligaga na sa pagtapos nung bulletin. nasigawan ko tuloy. tapos ayun. nagalit ata.

well. ang bottomline ay. humanda sa akin ang economics. kung ayaw mo sa akin, pwes, ayoko rin sayo. at kung hinhamon mo ako, payn. magkita tayo bukas!

Saturday, July 19, 2008

ang lindol

"nasa impyerno na ba ako?"
yan ang tanong ko sa nanay ko na sinundan ng isang lumalagapak na sampal sabay bulyaw ng "anong impyerno? bilisan mo nga jan at madami pa tayong gagawin!!!"
hahaha. ang sama naman ng nanay ko. (oi. hindi ko nanay yun. at hindi ko din naman talaga tinanong yun kasi malamang sa malamang eh masahol pa jan ang magiging dayalogo namin. ;])
si Juseleeno Nobulega Daroose kasi eh. siya ang Brazilian professor at psychic, kuno na nag-predict na magkakaroon ng 8.1 magnitude na lindol sa lupang pinangako-- ang Pilipinas, na tiyak na bubura sa nasabing bansa dahil sa tindi nga naman nung lindol.(at kung ayaw mong maniwala na ang Pilipinas ang lupang pinangako, pwes, lumayas ka jan sa kinauupuan mo ngayon dahil tiyak kong isa kang alipores ng mga kano! )
pero, paano nga kaya kung nagkatotoo yung lindol?
edi sana,
1. hindi ka na nagbabasa ng post na ito ngayon dahil,
2. malamang eh hindi maipopost ang post na ito dahil nga wala na tayong lahat.
3. hindi na kami makakapunta kay chesca at hindi na ako makakapagpagawa ng header.
hahaha. ang bababaw ng mga dahilan, hane? pero wait. may tanong ako.
KUNG SAKALING TOTOO YUNG BALITA MATUTUWA KA BA O HINDI?
kung ako lang,
MATUTUWA>> sa kasalukyang presyo ngayon ng mga bilihin, tiyak na inaasam-asam na ng karamihan yung lindol kesa nga naman tuloy-tuloy na kalbaryo ang pagdaanan sa araw-araw na ginawa ng Diyos. kumbaga, mahabaang kamatayan. yung tipong mamamatay ka din naman eh pinapatagal pa sa pagbabaka-sakaling magkakaroon pa ng kaayusan sa bansa at maibabalik pa ang panahon na pwede kang mag-grocery ng one-year supply sa bahay gamit lamang ang isandaang piso. sa presyo ngayon ng bilihin eh tiyak naman talagang mahihirapan ka lalo pa kung ang sinasahod eh mababa pa sa minimum.
HINDI>> masarap mabuhay! una sa lahat, hindi naman nabubuhay ang tao sa tinapay lamang (hahaha, c/o Mam Duran, FCL teacher namin.) pero sa totoo lang. hindi naman talaga sa material na bagay lamang nabubuhay ang tao. minsan, pagmamahal at ang pakiramdam na may nagmamahal sa kanya-- yun lang ang kailangan. sa katunayan may ikinukwento sa amin ang tatay ko kapag madaming hinahanap ang akin nanay. kasi diba ang mga nanay, kapag wala ng bigas, o kaya kung anupaman sa bahay eh umaandar an ang armalita na bibig? bale ganito yung dayalog:
NANAY: anubayan, wala na tayong bigas tapos gatambak na yun utang natin sa meralco pati sa tubig. yung renta natin palso na ng tatlong buwan!!! (habang nakatingin sa kanya ang dalawa niyang anak na maghapon nang hindi kumain)
TATAY: anu ka ba naman. nung pinakasalan mo ako, ang sabi mo lang sa akin, basta may asawa ka't anak, ok na diba?
sa totoo lang, ewan ko kung nakakataw sa inyo pero para sa akin, ang drama non. para bang love is all that matters, basta may pagmamahal mula sa asawa't anak eh okay na.
kaya hindi ko maiisip kung bakit may mga taong naiisip na pumatay ng mga kahabag-habag at walang kamuwang-muwang na mga bata. (dito papasok yung topic ng abortion at euthanasia na diniscuss nung friday sa fcl again, c/o Mam Duran.) gagawa-gaw ang anak hindi naman kayang buhayin. at wag ka, sa ibang mga bansa eh ginawa pa itong isang l;egal na gawain. kumbaga, legal ng pumatay doon. kasi ng naman eh walang laban ang mga yun. kaya kahit patayin eh okay lang.
well eto lang ng masasabi ko. maging responsable tayo. wag mag-aanak kung hindi kayang buhayin. at tungkol naman sa lindol, kung magkatotoo man, eh hangad ko ang kaligatsan nyo. dahil kayo ang bumubuhay sa blog ko (naks! ang drama.) o siya. babay na at ubos na ang prepaid card ko para sa kuryente (yung news topic na yan ay again and again, c/o Mam Duran.)
beh!

ang pagsilang

at sa wakas.
naisilang na din ang bagong kagigiliwan ng mga naghihikahos na bloggers kaya ko. well, sa totoo lang, mga two weeks ago pa nag-start ang blog ko. yun nga lang, ngayon lang sya offically ini-launch kasi noon panget pa yung blog ko. ngayon, ah may header na so hindi na masasabing panget, yun nga lang, hindi pa rin kasing-ganda ng sa iba. pero sa hinaharap, tiyak na kayo'y mamamangha sa magiging hisura ng aking blog, sapagkat ngayon pa lang ay nakakintal na sa aking alimantak ang mga gagawing pagmamanipula sa blog na ito para naman lalong gumanda.

kaya sa lahat ng mga nanglilibak, lumalait, at yumuyurak sa kasalukuyang estado ng blog ko, para sa iyo ang post na ito. sana ay duguin ang ilong mo at ang lahat ng butas ng katawan mo, hahaha. (brutal ba? hehe, pis po! XD)

o sige na babay.

Pahabol Sulat (Post Scriptum) Makigayang pagkakasilang kay Francesca Isabelle Tolosa Soriano na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong ika-16 ng Hulyo. Nawa'y lumawak pa ang sakop ng iyong alimantak, at sana'y punuin ka nang Mahabaging Maykapal ng pitagan sa sarili at mga kapwa nilalang. Ang aking maluwalhating pagbati, ....hampaslupa

Thursday, July 10, 2008

naku naman

haay. ngayon ko lang na-realize na ang hirap palang maging campaign manager.
una. hindi na ako nakapag-blog dahil nga sa lintik na campaign na yan.
ikalawa, ang sama-sama ng boses ko ngayon. malat at paos na. parang husky na ewan na parang si sir dela pena ng minsang pumasok sya ng walang kagatol-gatol sa aming klasrum para sabihing "okay, correction no. 31 blah, blah, blah..." na kung bulag ka at hindi mo nakikita yung nagsasalita, maiisip mong siya yung nag-dub ng "my precious..." na linya sa lord of the rings.

okay. balik sa topic. condolence. sa lahat ng ilong na dinugo kanina sa aking makapagbag-damdaming ispits para sa aking ikina-campaign na president, Myca R. Mira. may mga nabasa akong blog na nagsabing nakakanoseblid daw yung ispts ko na yun. pwes, ako lang ang nakagwa nun, noh. hahaha.

actually. ganito kasi yun. bilang campaign manager, required kong puriin, at pabanguhin si MYCA, yung amin ngang kandidato. eh kung ikaw ba naman eh gumawa ng ispits ng alas-onse ng gabe, under time limit na 30 minutos, malamang eh kung ano-ano na nga ang maisusulat mo. at yun nga. yung ispits na minadali ko ang pinanindigan kong gamitin kanina. akalain mo namang okay lang pala yun.

at mabuti na lang eh memoryado ko. dapat kasi ang campaign managers sa lecter magsasalita. (ang lecter ay yung... basta ang hirap i-explain ee.) kapag doon ka magsasalita, pwedeng basahin lang ang ispts. eh ng tinawag na yung sa kabila, akalain mo ba namang kabisado niya ang ispits niya at talagang walang habas at pakundangan na nag-ispits sa gitna. doon ngayon nagpunta sa akin simam palao at sinabing "pano yan kinakabog ka ni danica, memoryado niya ang ispits niya." na sinagot ko naman ng "pwes, kabisado ko din ang ispits ko, noh." kaya ayun nga...
let us now welcome, the campaign manager of LETS party.
at umakyat na ako sa stage sabay kuha sa wireless mic at nagsimula ng magispits.
"To our BED Director....."
oops. hahaha. abangan niyo na lang sa next post ko ang kumpletong manuskrito ng ispits na ginamit ko kanina. antok na kasi ako, kaya baka bukas na lang, ha?

o sige na.
babay.

P.S. Nga pala, wag kakalimutan, sa darating na eleksyon, LETS Party, Leaders for Everyone Towards Success, haha, okay?

Sunday, July 6, 2008

haaay, sa wakas!

o ayan. may blog na rin akong sarili. at ang lahat ng ito ay dahil sa magagaling kong kaklase na sina grace at francesca. oo. sila ang pumilit sa akin na gumawa ako ng sarili kong blog. magaling daw kasi akong magsalita (naks. hahaha XD). at hindi lang yon. magaling din akong mangumbinsi. sa katunayan nga, ako'y campaign manager ng LETS Party (mag-campaign ba?) isang katunayan na may mga taong naniniwala sa kakayahan kong mamilit ng tao.

at speaking of blogs, ewan ko ha, pero parang nahihirapan ako na natutuwa. matagal ko na kasing pinangarap ito. kaya lang hindi ko kasi maharap. ngayon lang kasi nainggit ako kay grace at francesca. sila kasi sina balinguynguying bata (para sa mga hindi nakakaalam, ang balinguyngoy ay nosebleed sa ingles) at talakerang teenager. kaya ayun. gumawa na rin ako ng sarili ko.

kung mapapansin ninyo, ang panget ng blog ko. oo. panget talaga. kung makikita ito ng mga kakilala ko, magugulat sila at sasabihing "ampanget naman ng blog mo, parang hindi ikaw ang gumawa." kung hindi nyo kasi nalalaman, artistic ako. sa totoo lang, ayoko sa hitsura ng blog ko ngayon. pero hindi bale, wag kayong mag-alala dahil magpapalit ako. basta. gaganda din ito. tignan ninyo. kayong mga yumurak sa hitsura ng natatangi kong blog, magbabayad kayo. hahahaha. joke lang. o sige na. babay na muna. bukas na lang siguro ulit. o kaya, pag sinipag, baka mamayang gabi.